By TEAKHYM - 21:48

BALITA- DSSPC 2019, dinagsa ng mga batang manunulat

Inpain


      GUIMBAL, ILOILO - Namayani ang magkahalong kaba at pagkasabit sa panalo sa buong bulwagan ng Guimbal National High School sa naganap na pagbubukas na programa ng Division Secondary Schools Press Conference 2019 kaninang umaga.
      
      Halos umabot 2,000 na batang manunulat mula sa iba’t ibang panig ng limang distrito ng Iloilo ang dumagsa dala ang layuning maiuwi ang panalo sa iba’t-ibang kategorya; nandiyan ang pagsusulat ng balita, lathalain, balitang agham, pangulong tudling, balitang pampalakasan at merong din ulat panradyo at pantelebisyon at pagsusulat ng iskrip, paglalarawang tudling, pakula ng larawang pampahayagan at marami pang iba.

      Sa kabilang banda, nagbigay ng inspirasyon sa kabataan si Career Executive Service Office III John Arnold S. Siena ng sabihin nitong “You have to hold your talent because if you don’t, it will eventually taken from you”.
      
      Naroroon rin sa pagbubukas ng programa sina Education Program Supervisor I Ruby Therese Almencion, Filipino Schools Division Superintendent Marites Capilitan, Guimbal Municipal Mayor Hon. Oscar G. Garin, at DISSPAA President Bonifacio Camilon.

      Layunin ng DSSPC na hasain pa ang abilidad ng mga batang manunulat sa larangan ng periyodismo at piliin ang mahuhusay na kabataan na siyang lalahok sa darating na Regional Secondary Schools Press Conference sa mga susunod na buwan.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments