EDITORYAL


      EDITORYAL-Kapangyarihan ng Dyurnalismo

Lilipad

https://tabangoparola.files.wordpress.com/2016/09/image.jpg?w=1200
      R.A. 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 ay isang batas na sinuportahan at binigyang halaga ng Department of Education (DepEd) ang komunidad sa bansa sa pagpapalaganap ng walang kinikilingan, patas at balidong impormasyon sa lipunan upang mahubog ang kakayahan ng mga mamamahayag. Layunin ng nasabing batas na palawakin ang pagbibigay ng katotohanan at magtipon ng kaalaman hindi lamang sa loob ng kampus kundi pati na rin sa komunidad.
              
      Ang R.A. 7079  ay isang batas na nagbibigay para sa pagpapaunlad at pagtaguyod ng campus journalism at para sa iba pang mga layunin kasama na dito ang pagbuklod at mapatibay ang komunidad ng bansa sa paglaganap ng katotohanan at makibahagi sa mga mahahalagang isyung panlipunan.
               
      Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi man nila namomonitor ang mga batang tumutuloy bilang mamamahayag, umaasa siya na malayo ang mararating sa TV, radio at print industry ng mga produkto ng NSPC. “I hope that big media institution will see this way in which they can look out for promising writers, idealistic and competent. Kung ang media institution also observed and look out for talents kasi may mga media institutions that give out scholarships. Let’s start with these learners who win in this contest. Magandang papasok na media institutions dito the way schools in sports seek out potential athlete at sana pagka-interesan din ang contest na ito na mag-aral to pursue journalism.”
               
      Batay sa DepEd isa itong malaking hakbang upang maging isang sibilisado ang komunidad sa bansa dahil na rin sa patuloy na paglaganap ng campus journalism ay mahalaga na ang komunidad ang unang makiisa at makabenipisyo nito. Isa itong paraan upang mapabago ang lipunan at magkaroon ng mga oportunidad sa trabaho at magkaroon ng pagtanggap sa lipunan.
                
      Sa isang surbey na isinagawa ng The Social Fact: News and Knowledge in a Networked World 41 na porsyente ang ibinaba ng "fake news " sa bansa mula noong lumaganap ang campus journalism at magkaroon ng wastong pagpapahayag ng katotohan sa bawat mamahayag ngunit sa kabila ng lahat ay 86% ng mga Pilipino ang nagsasabing tama ang balita na kanilang nababasa isang patunay na kailangan ng isang malawakang pagpapahayag ng bawat mamamahayag sa komunidad upang tuluyang magkaroon ng pagbabago.
                
      Ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga komunidad ay dapat magsisimula sa mga kabataang mamamahayag kung kaya't sa pamamagitan ng campus journalism ay maaring hindi katotohanan lang ang lumaganap kundi pati narin pagbabago na dapat noon pa inaasam ng lipunan at ng ating komunidad.

x

  • Share: