LATHALAIN

Pigura ng Misteryosong Puno

Pinkslashes


      Banayad na ang gabi. Ang simoy ng hangin ay hinihele ako sa bawat pagkurba nito sa himpapawid. Ang mga ilaw ay nagliliwanag na sa bawat kawang ng mga silid. At habang ako’y naglalakad tila ba pinapako ang aking  isipan ng mga tandang panananong sa t’wing mapapadaan ang aking mga mata sa kinatatayuan ng isang punong may tindig at may nakakubling misteryo. “ Minsan makikita mo ay puno, at minsan makikita mo itong mansyon.” Nakakapangtindig-balahibo.
       
      Bumiyahe pa ako mula sa malayong pook. At sa bawat kilometrong natatakbuhan namin ay nilalasap ko ang maamong hangin na dumadampi sa aking mga kamay. Sinusubukan kung mawaglit ang mga malulungkot kung karanasan sa pag-ihip nito. Halos maisuka na nga lahat ng laman at bituka ko sa mapaglarong takbo ng aming sasakyan. makarating lamang dito.       

      Isang  malawak na lugar ang bumungad sa aming pagdating. Saglit akong nawala sa’king sarili. At nagising na lamang akong nakahulog na ang aking  panga. Katangi-tangi nga ang aking nasilayan. Sa bawat sulok nito ay masasakihan mo ang halik ng modernisadong panahon. Napapalibutan ng mga nagagandahang mga dekorasyon na kinuhanan pa ng inspirasyon sa araw na maingat na ikinurba para sa kakaiba nitong kinalabasan. Dumagdag pa ang mala-heganting gusali na nagpapaligsahan sa kataasan. Nakakalula pero napakahusay. Isa ito sa gusto kong masilayan.       

      Muli akong dinala ng aking mga paa sa malawak nitong kapatagan. Sinubukan ko itong takbuhin. Pero paulit-ulit din naman akong bumabalik. Sa sobrang pagod ay napahiga ako sa gitna ng mga damo. At nagmuni-muni habang nakatingin ang aking mga mata sa asul na kalangitan na kumukumplemento sa bawat lugar dito. Kaya napabuntong hininga na lamang ako sa kapayapaang bumabalot sa akin sa mga oras na iyon.       

      Ang kuriyosidad ay tila ba hindi ako tinatantanan. Ang aking isipan ay inuulan ng mga tandang pananong tungkol sa isang tipikal na puno kung titingnan. Pero nakasentro pala ang buong nayon sa bagay na ito. Pawang gusto kong magpalit ng anyo na kawangis ni Dora dahil sa kagustuhan kung dumiskubre ng kakaibang mga bagay na hindi ko pa alam. Nakakaintriga.       

      Mapailang ulit ko na ngang maibuka sa aking mga bibig ang mga katanungan sa aking mga kasamahan. Pero kahit sila hindi rin ito alam. Halos ng buong araw ko’y nakasentro sa mga misteryong iyon. Binabagabag ako ng mga nakapunsok na puno. Napasalpok na lamang ako sa aking higaan sa sobrang pagod at hinayaang pumikit ang aking mga mata.

      Nagising akong tangan-tangan ang aking kumot. Nagulat ako dahil na sa tabi na ako ng misteryosong puno. At pinapalibutan ito ng mga usok. Nabaling ang aking mata sa may sulok nito at may nakita akong isang nakaputing pigura ng tao. Naramdaman ko ang bahagyang paglamig ng aking batok. Pinaglalaruan ako ng simoy ng hangin nabigkas kong bigla sa’king sarili. Pero halos lahat ng aking mga balahibo ay nagsitaasan na. Hindi pa rin gumagalaw ang pigurang iyon. Kaya minabuti kong nilisan ang lugar na iyon. Sa aking paglingon. Wala akong nakitang paaralan. Kaya bahagya kong naramdaman ang malakas na pagkalabog ng aking puso. Matapos ang sampung segundo naramdaman ko na may kumabig na sa’king batok at napalingon ako.

       “Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!”. Isa lamang palang panaginip na siyang sumagot sa aking mga katunangan at ayaw ko na itong maranasang muli. Hanggang sa muli Ronnie.
                     

                       

  • Share: